Hinde. Hindi ako si Erning ng infamous Strangebrew "phenomenon" of the Philippines.
Hindi rin ako tinamaan ng bala.
Lalo naman hindi ako nagmamarunong na almighty god ang dating sa pagiging tama lagi. Infallible baga.
Ang tama na sinasabi ko ay tama ng alak. Yes, for the first time
nalasing ako sa tama ng Red Horse. Omigod, I never thought na ganun sya
kalakas sumipa. Parang di kinaya ng liver ko. Tang-ina, hanggang ngayon
may sinasabi pren ang mga internal organs ko sa kin. Well, pano nga ba
ako umabot sa ganitong sitwasyon? It goes a little something like
this…
Napagpasiyahan ng Section Vangie (ito na lang ang tinawag namen sa Wave
namen kasi nung Product Training nagkahiwa-hiwalay na kami ng batch so
kung ano na lang yung maisip) na mag-get together once na makuha namin
ang first salary ng wave. So, mga 10 days ago palang nagpaplano na kami
kung saan pupunta. Within Makati ba? Umaga ba ‘to o gabi? Sinuggest ko
gabi para naman kahit paano yung pag-inom namin katulad ng ginagawa ng
mga normal na tao. In the end, diretso na after shift in the morning na
lang - kung sa bagay pag pinauwi mo pa yung mga tao wala nang aattend
sa gabi.
We ended up deciding to go to Macky’s place. May mini bar kasi siya sa
may Asturias, malapit sa UST. Kitam, nasa Makati at Gilmore na kami sa
UST pa rin kami napadpad! So after shift, nagcontemplate muna kami kung
san kakain. I don’t know but somehow, someway sa McDo kami napunta.
Hindi ko alam pero feeling ko taga ibang planeta ang McDo, feeding us
with subliminal information na automatic dun agad ang iisipin mo pag
gusto mong kumain. Around an hour or so, drive na to Macky’s place.
Wala pa yung kalahati ng grupo. At si Manuel (Macky) o Manu (Manung
Guard haha) hala nasa Pasay pa daw. Si Airo uuwi pa daw pero dahil
likas siyang alien, nag-stay. Nag-iisip na kami ng pwedeng puntahan na
when finally he arrived.
Mga adik tong kasama ko, hayok sa beer. 1 inch palang nakaopen yung
gate ng bar sugod na. Hahaha! The place was noticably not ready yet for
people. Special request namen kay Macky na i-open yung place in the
morning (pang call center talaga, winner!). Game, shot na! Wow Red
Horse pala titirahin namin. Nakakatuwa kasi natuloy kami at maraming
nakarating, tapos nyeee - si Harriet at si ‘Are you Dan (done)?’ uuwi
na daw. Di napilit kahit isang baso. Heller, un lng. Hehe. Tapos, si
Mamy Me-ann di nakaattend, gusto daw kasi nya gabi at shempre sa
morning sa family siya. Sayang kwentuhan galore sana kami. Basura.
Photo inset: si Airo on his nth phone call. Sabi nya isang baso lang
daw siya! Hayan, 11:30 na di pa rin umuuwe. Hahaha. Pero, the best si
Airo. Para sa inom, go! Si TL Oz kulay pasa na, ‘di raw siya malakas
uminom, kaya hayan. Si Mama Joy, 1.5Mbps ang pagdownload ng chicha. 400
decibels den ang lakas ng tawa. Adik. Si Joezer wala naman pinag-iba
kahit lasing. Haha, peace, chong!
Ako pakiramdam ko lasing na ako, medyo malalaki na movements ko eh. Di
ko na r
in maalala na pinagkukuha ‘tong mga picture na ‘to till now na
ininspect ko na cellphone ko. Luckily, I didn’t text stupid stuff to
people, at tama pa naman ang mga spelling ko. ‘Di rin naman ako nag
mis-sent ng messages. Kahit lango, mahirap na. When I checked my Sent
Items muhkang safe naman. Maybe, because iba tama ng Red Horse sakin.
Muhkang laugh trip ‘eh. Ang tequila kse parang intelligence potion,
kinabukasan pagtingin mo sa Sent Folder aba ang sensible ng mga sinabi
ko! Hahaha. Lagyan ba ng logic ang alak?

Sige lang, tanghaling tapat mga basag ang tao. Lunch time na ng mga
Thomasians na may pasok ng Sabado. Halos di ko rin sila napansin cos we
practically owned the whole place. Si Macky damage control na kasi si
Joy naninira na ng gamit hahaha. Si Ron, ayan nakayuko na. Nagtry pa
kasi magyosi. Di pa rin daw siya nalalasing nang ganoon. What? Nag-work
ka nga sa Israel for two years eh! Hahaha! Tapos, ayun si Mark sinasampal
na ang sarili - he’s gonna drive pa kasi. I dunno why he was doing it
cos it really wasn’t obvious na basag na siya - the whole time "normal"
pa rin siyang silent type.
"Who are you and whose bed is this?!?"
Buti na lang ‘di yan ang naging line ko when I woke up. I honestly
didn’t know how I was able to get home. My last recollection was with
Ron. Gegewang-gewang kame sa Dapitan in broad daylight! It was
definitely the most drunk I’ve been in my entire life. But it was fun.
For me, it was also symbolic that I have already made a new world out
of these people I currently work with. I am a new person and it’s a new
beginning. Section Vangie - mga taong basura.
Letse, galangin pa kaya ako ng mga taong ‘to pag nasa production na kami? Hahaha.